83. Sa mawika ito luha’y pinaagos,
Pika’y isinaksak saka naghimutok,
Nagkataon namang parang isinagot
Ang bunting-hininga niyong nagagapos.
84. Gerero’y namangha nang ito’y marinig
Pinagbaling-baling sa gubat ang titig,
Nang walang makita’y hinintay umulit
Di naman nalao’t nagbagong humibik.
85. Ang bayaning Moro’y lalo nang namaang:
“sinong nananaghoy sa ganitong ilang?”
Lumapit sa dakong pinanggalingan
Ng bunting-hininga’t pinakimatyagan.
86. Inabutan niya ang ganitong hibik:
“ay mapagkandiling amang iniibig!
Bakit ang buhay mo’y naunang napatid,
Ako’y inulila sa gitna ng sakit?
87. “Kung sa gunita ko’y pagkuru-kuruin,
Ang pagkahulog mo sa kamay ng taksil,
Parang nakikita ang iyong narrating,
Parusang marahas na kalagimlagim.
88. “At alin ang hirap na di ikakapit
iyo ng Konde Adolfong malupit?
Ikaw ang salamin ng reyno ng bait,
Pagbubuntuhan ka ng malaking galit.
89. “Katawan mo ama’y parang namamalas
Ngayon ng bunso mong lugami sa hirap,
Pinipisang-pisang at iniwawalat
Ng pawa ring lilo’t berdugo ng sukab
90. “Ang nagkahiwalay na laman mo’t buto,
Kamay at katawang nalayo sa ulo,
Ipinaghagisan niyong mga lilo
At walang maawang maglibing ng tao.
91. “Sampu ng lingkod mo’t mga kaibigan,
Kung kampi sa lilo’y iyo nang kaaway,
Ang di nagsiayo’y natatakot naming
Bangkay mo’y ibao’t mapaparusahan.
92. “Hangga’t ditto, ama’y aking naririnig
Nang ang iyong ulo’y itapat sa kalis,
Ang panambitan mo’t dalangin sa langit,
Na ako’y maligtas sa hukbong malupit.
93. “Ninanasa mo pang ako’y matabunan
Ng bangkay sa gitna ng pagpapatayan,
Nang huwag mahulog sa panirang kamay
Ng Konde Adolfong higit sa halimaw
94. “Panalangin mo’y di pa nagaganap
Sa liig mo’y biglang nahulog ang tabak,
Nasnaw sa bibig mong huling pangungusap
Ang adiyos, bunso’t buhay mo’y lumipas!
95. “Ay amang ama ko! Kung magunamgunam
Madla mong pag-irog at pagpapalayaw,
Ipinapalaso ng kapighatian,
Luha niring pusong sa mata’y nunukal.
96. “Walang ikalawang ama ka sa lupa,
Sa anak na kandong ng pag-aaruga:
Ang munting hapis kong sumungaw sa mukha
Sa habag mo’y agad nanalong ang luha.
97. “Ang lahat ng tuwa’y natapos sa akin
Sampu niring buhay ay nagging hilahil
Ama ko’y hindi na malaong hithitin
Ako’t sa payapang baya’y yayakapin.
98. Sandaling tumigil itong nananangis,
Binigyang panahong luha’y tumagistis
Niyong naaawang Morong nakikinig
Sa habag ay halos magputok ang dibdib.
1 comment:
fila online shop
fila shoes
kyrie 5
adidas superstar shoes
converse
supreme shirt
air max
calvin klein outlet
yeezy 500 blush
kyrie shoes
Post a Comment