Florante at Laura 10: Ang Pagdating ng Gererong Moro


69.      Nagkataong siyang pagdating sa gubat
        Ng isang gererong bayani ang tikas
        Putong na turbante ay kalingas-lingas,
        Pananamit Moro sa Persyang siyudad.

70.      Pinigil ang lakad at nagtanaw-tanaw,
        Anaki’y ninitang pagpapahingahan,
        Di kaginsa-ginsa’y ipinagtapunan
        Ang pika’t adarga’t nagdaop ng kamay.

71.     Saka tumingala’t mata’y itinirik
        Sa bubong ng kahoy na takip sa langit,
        Estatuwa manding nakatayo’t umid
        Ang buntong-hininga niya’y walang patid.

72.   Nang magdamdam-ngawit sa pagayong anyo,
        Sa puno ng isang kahoy ay umupo
        Nagwikang “O palad” sabay ang pagtulo
        Sa mata ng luhang anaki’y palaso.

73.   Ulo’y ipinatong sa kaliwang kamay
        At saka tinutop ang noo ng kanan,
        Anaki’y mayroong ginugunamgunam,
        Isang mahalagang nalimutang bagay.

 
74.      Malao’y humilig, nagwawalang-bahala,
        di rin kumakati ang batis ng luha,
        sa madlang himutok ay kasalamuha
        ang wikang “Flerida’y tapos na ang tuwa!”

75.     Sa balang sandali ay sinasabugan
        Yaong buong gubat ng maraming ay! Ay!
        Na nakikitono sa himig mapanglaw
        Ng panggabing ibong doo’y nagtatahan.

76.   Mapamaya-maya’y nagbagong nagulat
        Tinangnan ang pika’t sampu ng kalasag
        Nalimbag sa mukha ang bangis ng Puryas
        “Di ko itutulot,” ang ipinahayag.

77.   “At kung kay Flerida’y iba ang umagaw
        At di ang ama kong dapat na igalang,
        Hindi ko masabi kung ang pikang tanga’y
        Bubuga ng libo’t laksang kamatayan.

78.   Bababa si Marte mula sa itaas
        At sa kalalima’y aahon ang Parkas,
        Buong galit nila ay ibubulalas,
        Yayakagin niring kamay kong marahas.

79.  “Sa kuko ng lilo’y aking aagawin
        ang kabiyak niring kaluluwang angkin
        liban na kay ama, ang sinuma’t alin
        ay di igagalang ng tangang patalim.

80.  “O pagsintang labis ng kapangyarihan
        Sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw!
        Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman,
        Hahamaking lahat masunod ka lamang.

81.  “At yuyurakan na ang lalong dakila,
        bait, katwira’y ipanganganyaya,
        buong katungkuha’y wawaling-bahala,
        sampu ng hininga’y ipauubaya.

82.  “Itong kinaratnan ng palad kong linsil,
        Salaaming malinaw na sukat mahalin
        Ng makatatap, nang hindi sapitin
        Ang kahirapan kong di makayang bathin.”

2 comments:

Anonymous said...

This is a very good tip particularly to those fresh to the blogosphere.
Simple but very accurate information… Thank you for sharing this one.
A must read article!

Feel free to surf to my web site :: No2 maximus

yanmaneee said...

ralph lauren uk
nike epic react flyknit
coach outlet store
russell westbrook shoes
yeezy boost 350
off white nike
vans
off white nike
balenciaga sneakers
louboutin shoes