Florante at Laura 12: Panaghoy ng Gerero


99.   Tinutop ang puso at saka nagsaysay,
        “Kailan,” aniya. “luha ko’y bubukal
        Ng habag kay ama at panghihinayang
        Para ng panaghoy ng nananambitan?
 
100. “Sa sintang inagaw ang itinatangis
        Dahilan ng aking luhang nagbabatis;
        Yao’y nananaghoy dahil sa pag-ibig,
        Sa amang namatay ng mapagtangkilik.

101. “Kung ang walang patid na ibinabaha
        Ng mga mata ko’y sa hinayang mula
        Sa mga palayaw ni ama’t aruga
        Malaking palad ko’t matamis na luha.

102. “Nguni’t ang nanahang maralitang tubig
        Sa mukha’t dibdib ko’y lagging dumidilig
        Kay ama nga galling datapwa’t sa bangis
        sa andukha at pagtatangkilik.

103. “Ang matatawag kong palayaw sa akin
        Ng ama ko’y itong ako’y pagliluhin
        Agawan ng sinta’t panasa-nasaing
        Lumubog sa dusa’t buhay ko’y makitil.

104. “May para akong anak sa napanganganyaya
        Ang layaw sa ama’y dusa’t pawing luha
        Hindi nakalasap kahit munting tuwa
        Sa masintang inang pagdaka’y nawala!”

105. Napahinto rito’t narinig na muli
        Ang panambitan niyong natatali
        Na ang wika’y—“Laurang aliw niring budhi
        Paalam ang abang kandong ng pighati!

106. “Lumagi ka nawa sa kaligayahan
        Sa harap ng di mo esposong katipan
        At huwag mong datnin yaring kinaratnan
        Ng kasing nilimot at pinagliluhan.

107. “Kung nagbangis ka ma’t nagsukab sa akin
        Mahal ka ring lubha dini sa panimdim
        At kung mangyayari, hanggang sa malibing
        Ang mga buto ko kita’y sisintahin.