69. Nagkataong siyang pagdating sa gubat
Ng isang gererong bayani ang tikas
Putong na turbante ay kalingas-lingas,
Pananamit Moro sa Persyang siyudad.
70. Pinigil ang lakad at nagtanaw-tanaw,
Anaki’y ninitang pagpapahingahan,
Di kaginsa-ginsa’y ipinagtapunan
Ang pika’t adarga’t nagdaop ng kamay.
71. Saka tumingala’t mata’y itinirik
Sa bubong ng kahoy na takip sa langit,
Estatuwa manding nakatayo’t umid
Ang buntong-hininga niya’y walang patid.
72. Nang magdamdam-ngawit sa pagayong anyo,
Sa puno ng isang kahoy ay umupo
Nagwikang “O palad” sabay ang pagtulo
Sa mata ng luhang anaki’y palaso.
73. Ulo’y ipinatong sa kaliwang kamay
At saka tinutop ang noo ng kanan,
Anaki’y mayroong ginugunamgunam,
Isang mahalagang nalimutang bagay.
74. Malao’y humilig, nagwawalang-bahala,
di rin kumakati ang batis ng luha,
sa madlang himutok ay kasalamuha
ang wikang “Flerida’y tapos na ang tuwa!”
75. Sa balang sandali ay sinasabugan
Yaong buong gubat ng maraming ay! Ay!
Na nakikitono sa himig mapanglaw
Ng panggabing ibong doo’y nagtatahan.
76. Mapamaya-maya’y nagbagong nagulat
Tinangnan ang pika’t sampu ng kalasag
Nalimbag sa mukha ang bangis ng Puryas
“Di ko itutulot,” ang ipinahayag.
77. “At kung kay Flerida’y iba ang umagaw
At di ang ama kong dapat na igalang,
Hindi ko masabi kung ang pikang tanga’y
Bubuga ng libo’t laksang kamatayan.
78. Bababa si Marte mula sa itaas
At sa kalalima’y aahon ang Parkas,
Buong galit nila ay ibubulalas,
Yayakagin niring kamay kong marahas.
79. “Sa kuko ng lilo’y aking aagawin
ang kabiyak niring kaluluwang angkin
liban na kay ama, ang sinuma’t alin
ay di igagalang ng tangang patalim.
80. “O pagsintang labis ng kapangyarihan
Sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw!
Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman,
Hahamaking lahat masunod ka lamang.
81. “At yuyurakan na ang lalong dakila,
bait, katwira’y ipanganganyaya,
buong katungkuha’y wawaling-bahala,
sampu ng hininga’y ipauubaya.
82. “Itong kinaratnan ng palad kong linsil,
Salaaming malinaw na sukat mahalin
Ng makatatap, nang hindi sapitin
Ang kahirapan kong di makayang bathin.”
2 comments:
This is a very good tip particularly to those fresh to the blogosphere.
Simple but very accurate information… Thank you for sharing this one.
A must read article!
Feel free to surf to my web site :: No2 maximus
ralph lauren uk
nike epic react flyknit
coach outlet store
russell westbrook shoes
yeezy boost 350
off white nike
vans
off white nike
balenciaga sneakers
louboutin shoes
Post a Comment