205. “Pag-aral sa akin ay ipinatungkol
Sa isang mabait maestrong marunong
Lahi ni Pitako ngala’y si Antenor
Lumbay ko’y sabihin nang dumating doon.
206. “May sambuwan halos na di nakakain
Luha sa mata ko’y di mapigil-pigil
Ngunit napayapa sa laging pag-aliw
Ng bunying maestrong may kupkop sa akin.
207. “Sa dinatnan doong madlang nag-aaral
Kaparis kong bata’t kabaguntauhan
Isa’y si Adolfong aking kababayan
Anak niyong Konde Silenong marangal.
208. “Ang kaniyang tao’y labis ng dalawa
Sa dala kong edad na lalabing-isa
Siyang pinopoon ng buong eskwela
Marunong sa lahat na magkakasama.
209. “Mahinhin ang asal na hindi magaso
At kung lumakad pa’y palaging patungo
Mabining mangusap at walang katalo
Lapastanganin ma’y hindi nabubuyo.
210. “Anupa’t sa bait siyang huwaran
Ng nagkakatipong nagsisipag-aral
Sa gawa at wika’y di mahuhulihan
Ng munting panira sa magandang asal.
211. “Ni ang katalasan ng aming maestro
At pagkabihasa sa lakad ng mundo
Ay hindi matarok ang lalim at tungo
Ng pusong malihim nitong si Adolfo.
212. “Aking pagkabata’y ang kinamulatan
Kay ama’y ang bait na di paimbabaw
Yaong namumunga ng kaligayahan
Nanakay sa pusong suyui’t igalang.
213. “Sa pinagtatakhan ng buong eskwela
Bait ni Adolfong ipinakikita
Di ko malasapan ang haying ligaya
Ng magandang asal ng ama ko’t ina.
214. “Puso ko’y ninilag na siya’y giliwin
Aywan nga kung bakit at naririmarim
Si Adolfo nama’y gayon din sa akin
Nararamdaman ko kahit lubhang lihim.
215. “Araw ay natakbo at ang kabataan
Sa pag-aaral ko sa aki’y nananaw
Bait ko’y luminis at sa karunungan
Ang hubad kong isip ay kusang dinamtan.
216. “Natarok ang lalim ng pilosopiya
Aking natutuhan ang astrolohiya
Natantong malinis ang kataka-taka
At mayamang dunong ng matimatika
217. “Sa loob ng anim na taong lumakad
Itong tatlong dunong ay aking nayakap
Tanang kasama ko’y nagsipanggilalas
Sampu ng maestrong tuwa’y dili hamak.
7 comments:
pwede po paliwanag nito?
paliwanag po please!!
kailangan ko na to!!
BASDKLADAS
palagay po ng talasalitaan tnx
Talasalitaan
Paglagay nga Po Yung buod nya thank you Po
need kongadin e HAHAHAHA
Post a Comment