composed by chonzsky
Kukumpletuhin ang nine mornings
upang ang aking wish ay magkatoto oh
Sa bawat tunog ng kampana
ako'y gigising
hangad ang blessings from the Lord
at umaasa na masilayan ka
sa isang umagang kay ganda... aw!
Puso’y nagagalak, kada simbang gabi
Sa labas ng simbahan, usok ay nang-aakit
Mainit na bibingka, kainin habang mainit
Puto Bumbong na may libreng cha ah
Merong Niyog at mantikilya, sarap na hindi mali li mot
Siyam na umaga, sabay-sabay tayong lumalakad
Hinihintay ang Pasko, sa pag-asa’y naghihintay
[chorus]
Ang hapag ay handa na, bahay ay maliwanag
Gabi ng Noche Buena, pinakamagandang gabi
Gawa ng ating mga kamay, puno ng pagmamahal
Bawat pagkain, ala ala ng pamilya
Ngayong Pasko
naghahanda ang lahat
Ambag Mo, Ambag ko
Madami kapag nagsama-sama
eto na kami
isang barangay
halina't pagsaluhan
Lechon na malutong, kasama ang halik na malutong
Hamon na pinalangoy sa pinya, oh kay sharap!
Lumpiang Shanghai na malutong, sa hangin ay amoy
Spaghetting pampahaba daw ng buhay
Queso de Bola, walang halong bola
Embutido , Leche Flan na malinamnam,
Ube na makulay
Miss mo rin ba ang Morcón!,
Sari-saring Pancit na mapapapikit ka sa sharap
Maha Blanca,
Crema de Fruta,
Buko Salad
Suman
Buko Pandan, presko at mabango
Bawat lasa, biyaya ng Diyos sa atin
[chorus]
Ang hapag ay handa na, bahay ay maliwanag
Gabi ng Noche Buena, pinakamagandang gabi
Gawa ng ating mga kamay, puno ng pagmamahal
Bawat pagkain, ala ala ng pamilya
[outro]
Pasko ang pinaka hihintay ng bawat pamilya
kung saan nagkakasama-sama
at nagdiriwang sa mga biyayang natamo
ngayong taon
Ang wish ko ay ikaw
na dumagdag sa aming pamilya
No comments:
Post a Comment