Photobucket        Photobucket             Phone Icon   Photobucket           

Naglalakad ng Dis Oras ng Gabi

 composed by: chonzsky

[Intro]
[clean electric guitar riff, bass and drums enter]

[Verse 1]
[male vocals]
Nagsimula ang lahat ng ika'y naglalakad
Ng dis oras ng gabi sa may gutter
Nilapitan ka ng isang mamang romantiko
Na isa palang tricycle driver
At hinatid ka sa iyong pupuntahan
Ng walang alinlangan, 'di ba?
At siniguro niya na ika'y ligtas
tinatanaw ka pa hanggang makapasok ka, 
ang sweet 'di ba?

[Instrumental Break]
[electric guitar solo with light overdrive]

[Verse 2]
May ningning ang mga mata ng muli kayong nagkita
May slow motion ang bawat sandali
Malakas ang gravity para bang nanghihina
Sa mga mata mong nangungusap
At dinala ka niya sa lugar na 'di mo pa
'Di mo pa napupuntahan
At siniguro niya ang pag-ibig niya'y wagas
At ang susunod na eksena ay alam mo na

[Instrumental Break]
[bass-driven rhythm, clean guitar stabs]

[Verse 3]
Matagal-tagal na hindi kayo nagkita
Ilang araw na ba? Ilang taon na ba?
Wala man lang ni hi, ni hoy
Buti pa ang ghost nagpaparamdam

Nung muli kayong nagkita, may sasabihin siya
'Di man lang niya nagawang ngumiti
Agad kinabahan, tumulo ang luha
At hindi nakaimik
Pagkat sinabi niya, 'di niya inakala na ikaw ay darating
Pagkat sinabi niya, marahil ito na ang panahon upang tayo'y magpaalam sa isa't isa

Tayo'y pinagtagpo ngunit 'di tinadhana
Tayo'y pinagtagpo ngunit 'di tinadhana

[Outro]
[guitar fades out, drums and bass stop]
Nagsimula ang lahat ng ika'y naglalakad
Ng dis oras ng gabi
sa may gutter

No comments: