KAPALARAN (Fate) by Clestial Insanity

1st Stanza 
Sinapit ko na ang kapalaran na 'to 
'Di napansing batong-bato ako 
'Di sinasadya at 'di ko napuna Sarili ko'y nawawala pala. 

2nd Stanza 
Walang nagawa at 'di makakilos 
Ngunit ang luha ko'y unti-unting naubos 
Nagdilim bigla ang aking paningin 
Nang aking ilabas galit kong kimkim. 

CHORUS 
May mata ako ngunit 'di makakita, May mga kamay ngunit 'di makahawak 
Nag-iisa ang utak 'di naman magamit, 
Ba't ba ganito ang kapalarang sinapit. 

3rd Stanza 
Nawawala ako sa suliraning ito 
Tumatango-tango; sumasabay sa agos 
Minsan Masaya o nagsasaya-sayahan 
Maya-maya na lang ay nag aanga-angahan. 

4th Stanza 
Naghanap ako ngunit wala akong makita 
Gusto kong gumamit wala namang makuha 
Nasaan ba kayo nung kailangang-kailangan 
Nag-iisa ako at walang maasahan. 

Repeat Chorus Adlib Chorus 

Composed by: Renato Boy (REBO) Hernandez Arranged by: Celestial Insanity Genre: Rap-Rock 

No comments: