What is Photosynthesis?

What is Photosynthesis?
We get our food from plants by waiting for plants to bear fruit afterwards harvesting them while plants produce their own food. The process on how plants make food is called photosynthesis by which plants make food from light, water, nutrients, and carbon dioxide.

--------------------------------------------------
(Tagalog)
Kumakain ba ang mga Halaman?
Hindi. Ang mga halaman ay hindi kumakain. Ang mga tao at halaman ay kapwa nangangailangan ng enerhiya para mabuhay. Ang Tao ay nakakakuha ng enerhiya mula sa pagkaing kinakain. Nakukuha naman ng mga halaman  ang enerhiya na direktang mula sa araw.  Ginagamit ng halaman ang enerhiyang ito para makagawa ng sariling pagkain.  Ang mga pagkain ito ay kailangan para makapagpatubo ng bagong ugat, bulaklak at makapagpausbong ng dahon. May ibang halaman na kayang mag-imbak ng pagkain para sa mga sumusunod na panahon; halimbawa ay ang halamang "kamote".

Ano ang pagkain ng halaman?
             - Ang mga pagkain ng halaman ay nakakatulong para sila ay maging malusog tulad ng nagagawa ng bitamina at mineral na nakakatulong sa tao para ito ay maging malusog.  Ang pagkain  ng halaman ay tinatawag ding pataba o abono.  Ito ay nagtataglay ng maraming mineral na kailangan ng halaman upang ito ay tumubo nang malusog.  Ang mga mahalagang mineral na ito ay nitrogen, phosphorus at potassium.  Sinisipsip ng mga halaman ang mga mineral mula sa pataba na gamit ang kanilang ugat.
          - Mga luntiang halaman lang ang gumagawa ng pagkain.  Mayroong ilang mistulang halaman na hindi naman talaga maituturing na halaman.  Ang kabute ay parang halaman dahil ito ay tumutubo sa lupa, ngunit sa katotohanan, ito ay honggo o "fungus". Hindi sila nakagagawa ng sarili nilang pagkain dahil wala silang chlorophyll. Ang chlorophyll na ito ang nakakatulong upang mapakinabangan ng halamn ang sikat ng araw.  Ito rin ang nagbibigay ng kulay na luntian sa halaman.
          - Nakakakuha ang honggo (fungus) ng pagkain mula sa nabubulok na halaman tulad ng mga nalaglag na dahon o dumi ng hayop.  Ang honggo ay maaaring kulay pula, dilaw, kulay tsokolate o puti nguni't hindi ito maaaring maging luntian.

Ang enerhiya na bumubuhay sa lahat ng bagay na may buhay sa mundo ay mula sa araw.  Sa photosynthesis, ang mga luntiang halaman ay nakakukuha ng enerhiya mula sa sikat ng araw at ginagamit nila ito upang makagawa ng pagkain at upang lumaki.
Ito ang dahilan kung bakit ang mga luntiang halaman ay nasa base ng food chain, na nagpapaliwanag kung papaanong ang enerhiya  mula sa araw ay napupunta sa tao, hayop at halaman sa kani-kanilang paraan ng pagkuha o paggawa ng kani-kanilang pagkain.

No comments: