Lahat ba ng pating ay kumakain ng tao?
Hindi lahat ng pating ay umaatake sa tao. Ang dalawa sa pinakamalaking uri ng pating ay ang "basking shark" at "whale shark" na kumakain lamang ng maliliit na hayop at halaman. Ang iba na gaya ng "great white shark" at "Hammerhead shark" ay umaatake sa tao. Mayroon Silang matatalim na ngipin na kanilang kailangan sa pagkain ng malalaking isda. Para sa pating na Ito, ang Tao ay parang malaking isda na puwede nilang kainin.
Ang "great white shark" na kilala sa pagkain ng tao na may Hugo's triyangulo mga ngipin na pag ikinagat sa kanyang biktima, ang mga ngipin ay nananatiling nakabaon sa kinagat na parte ng katawan ng kanyang biktima.
Mayroong halos 250 uri ng pating nguni't wala pa sa sampu nito ang umaatake sa mga tao. Malabo ang Mata ng pating, ngunit matalas ang kanyang pandinig at pang-amoy. Ang pinaka mabagsik sa lahat ng mga pating ay ang "great white shark"
Related Article
Bakit ang mga isda ay namamatay kapag inaalis sa tubig?
No comments:
Post a Comment