Ang alamat ng Ibong Adarna 1-5

Ang alamat ng Ibong Adarna
hango sa interpretasyon ni chonzsky

1. Nagdarasal sa Birheng Maria
    na ang isipan ay maging maliwanag
    Upang sa mga desisyon ay hindi magkamali

2. Sapagka't ako'y isang simpleng tao lamang
    na konti lang ang alam
    at di malinaw ang pag-unawa sa mga bagay-bagay
    na ngayon ko lang nakagisnan

3. Malimit na makagawa
    Ng desisyon na mali
    Kagustuhang makagawa ng tamang desisyon
    Ay baligtad ang kinalalabasan

4. Nag-uumapaw ang pangamba
    Na magbangka na mag-isa,
    Baka makarating sa pinakamalalim na bahagi ng dagat
    At di kayaning mag-isa lamang

5. Kaya Inang tagapagtaguyod
    Ako'y iyong tulungan
    Na sana ay  tama ang landas na tatahakin
    Nitong magiging istorya ng aking buhay
 

Bokabularyong Filipino
Banghay = pagkakasunod-sunod ng kwento
Kakathain = imbento, haka-haka, gawa-gawa, sabi-sabi
Kaya = therefore
Inang Matangkakal = Protective Mother
Labis = very much, over, sobra, lubos, nag-uumapaw
Lumayag = sail, magbyahe sa dagat
Mapalaot = deep part of the sea, pinakamalalim na bahagi ng dagat
Matangkakal = protective, tagapagtaguyod (root word: tangkakal)
Pahidwa = Farewell, baligtad, mali, baluktot, kasalungat
Patnubayan = gabayan, tulungan
Yaring = itong, ang

No comments: