The Legend of Gumamela:
Si Gumamela ay isang pangkaraniwang dalaga na nakatira sa bukid. Masipag siya at masayahin. Mabait rin siya at matulungin.
Hindi gaanong kagandahan pero hindi rin masasabing pangit si Gumamela. Tipikal na dalaga ng kanyang panahon, mahinhin siya. Wala sinumang nakababatid na mayroon na siyang itinatangi. Ito ay si Abam, ang matalik niyang kaibigan.
Kinilalang magsasak sa bayan nila si Abam. Bukod kasi sa itinanghal na pinakamahusay na magsasaka, lider din tio ng grupong nagtuturo sa kapwa magbubukid upang mapataas ang ani. Dahil sa popularidad ng lalaki ay marami itong taga hanga. Gayunman ay isa lang ang babaing iniibig ng binata. Ang dalaga ay si Milusay, ang mutya ng bayan nila. Kaso lang ay sarado ang puso nito sa ngalan ng pag-ibig.
Alam ni Gumamela na mahal na mahal ni Abam si Milusay. Tuwing nakikitang malungkot ang kaibigan ay nagdurugo ang puso niys. Sa tindi ng awa ay sinabi niya sa lalaki na gagawin ang lahat upang pansinin ni Malusay ang kaibigan kapalit man noon ay ang sariling buhay. Binale-wala iyon ni Abam.
Isang umaga, bumati sa paningin ni Abam ang isang halamang may bulaklak na kulay pula sa tarangkahan niya.
May kung anong nag-udyak kay Abam upang pitasin ang bulaklak. Dinala niya iyon kay Milusay. Noon ay naghahanap ng palamuti sa buhok ang dalaga. Kinuha nito ang bulaklak at nialgay sa liko ng tenga. Tumingkad ang ganda ni Milusay. Araw-araw nagdala ng bulaklak si aAbam sa dalaga. Nagulat pa siya dahil ilang kaparehong puno rin ang sumibol sa bakuran at namulaklak ng iba't ibang kulay. Naibigan ni Milusay ang mga bulaklak. tuwina ay may nakapalamuting bulaklak sa buhok niya.
Hindi nagtagal ay nagkaunawaan sina Abam at Milusay.
Noon lang napansin ng binata na sa labis na pagbibigay ng panahon kay Milusay ay hindi na naalala ang kaibigan. Saka lang niya natuklasan na matagal na itong nawawala.
Minsang dumating si Abam sa kanila ay napansing nakabuka ang mga bulaklak sa tarangkahan. Hinaplos nito ang mga iyon dahil na rin sa pasasalamat. Paano ay naging instrumento ang mga ito sa pagtanggap ni Malusay sa pag-ibig ng binata. Natigilan siya nang makita ang panyo ni Gumamela sa tabi ng isang puno.
"Gumamel," anas niya.
Humihip ng malamig ang hangin na tila sinagot ang kanyang tawag.
Naisip ni Abam na ang halaman na sumibol sa may tarangkahan niya ay dili iba at si Gumamel. Natupad ang pangako nitong gagawin niya ang lahat ibigin lang siya ni Milusay. Napaluhod siya at napaluha bilang pasasalamat sa kaibigan.
No comments:
Post a Comment