Legend of Dama de Noche:
Isang sultanato sa Mindanao ang labis na pinangingilagan ng ibang kaharian. Ang naghahari kasi roon na si Sultan Muhad ay kilala sa tapang at kaistriktuhan at kalupitan.
May dalawang anak na dalaga ang sultan. Kapwa maganda ang mga ito . Sila ay sina Fatima at Alipha. Maraming binata ang nagkakagusto sa mga ito subalit hindi makapangligaw dahil sa malaking takot sa sultan.
Ibig ni Sultan Muhad na siya ang pumili sa mapapangasawa ng mga anak. Sa gayon daw ay matitiyak nito na maharlika rin ang magiging kapalaran ng mga ito. Gayunman ay dumaan rin sa mahigpit na pagsubok ang mangingibig ni Fatima na anak ng isang kilalang datu. Kinakailangan pa nitong pumasa sa mga pagsubok upang makapasa sa sultan. Ang mabuti nga lang ay iniibig din ni Fatima ang lalaki kaya naging maligaya ito sa pag-aasawa.
Kung marami ang nagkakagusto kay Fatima ay mas marami ang nanuyo kay Sultan Muhad upang makamit ang pag-ibig ng bunsong si Alipha.
Lingid sa ama ay may itinitibok na ang puso ni Alipha. Ito ay si Jabal, ang hardinero ng palasyo. Bagamat takot sa sultan ay hindi rin nakontrol ni Jabal ang damdamin. Inamin nito kay Alipha ang pagtingin niya sa kanya. Nagtapat din si Alipha na may pagtingin din siya at mahal din niya ang lalaki.
Itinago ng dalawa ang relasyon. Upang hindi mahalata ng sultan ay nagkukunwari si Alipha na mamimitas ng mga bulaklak sa hardin. Sa mga gabi namang madilim ay nakikipagkita siya kay Jabal at nagkukubli sila sa mga halaman.
Malhilig si Alipha sa bulaklak kaya hindi agad nagduda ang sultan. Ngunit walang lihim na hindi nabubunyag. Sa di kalaunan ay natuklasan din ni Sultan Muhad ang lihim na pagmamahalan nina Jabal at Alipha.
Palibhasa ay malupit si Sultan Jabal kaya noon din ay agad niyang ipinapatay sa pamamagitan ng pagbitin ang binata sa kabila ng nagmamakaawang pakiusap ng anak.
Ang kamatayan ni Jabal ay isang malaking dagok kay Alipha. Mula nang mamatay ang lalaki ay wala na itong ginawa kundi umiyak nang umiyak. Nang hindi na makayanan ang naghihirap ng damdamin ay sumamo kay Allah na kunin na rin siya. Sumamo rin siyang maging mabangong bulaklak na lang ng gabi upang maalala ng ama na minsan ay sinaktan nito ang kanyang damdamin.
Sa kinatatayuan ni Aliha ay isang puno ang tumubo. Namulaklak ito ng hugis luha at tanging gabi lang kung humalimuyak.
Tinawag itong Dama de Noche na ang kahulugan ay dalaga ng gabi.
No comments:
Post a Comment