156. Anupa’t kapuwa hindi nakakibo
Di nangakalaban sa damdaming puso
Parang walang malay hanggang sa magtago’t
Humilig si Pebo sa hihigang ginto.
157. May awang gerero ay sa maramdaman
Malamlam na sinag sa gubat ay nanaw
Tinunton ang landas na pinagdaanan
Dinala ang kalong sa pinanggalingan.
158. Doon sa naunang hinintuang dako
Nang masok sa gubat ang bayaning Moro
Sa isang malapad, malinis na bato
Kusang pinagyaman ang lugaming pangako.
159. Kumuha ng munting baong makakain
Ang nagdarakita’y inamong tumikim
Kahit umaayaw ay nahikayat din
Nang sabing malambot na pawang pang-aliw.
160. Naluwag-luwagan ang paghihinagpis
Sapagkat naawas sa pagkadayukdok
Hindi kinukusa’y tantong nakatulog
Sa sinapupunan ng gererong bantog.
161. Ito’y di umidlip sa buong magdamag
Sa pag-aalaga’y nagbata ng puyat
Ipinanganganib ay baka makagat
162. Tuwing magigising sa magaang tulog
Itong lipos-hirap ay naghihimutok
Pawang tumitirik na anaki’y tunod
Sa dibdib ng Morong may habag at lunos.
163. Nang magmamadaling-araw ay nahimbing
Munting napayapa sa dalang hilahil
Hanggang sa Aurorang tinaboy ang dilim
Walang binitiwang himutok at daing.
164. Ito ang dahilang ipinagkasundo;
Limang karamdaman parang hinahalo
Ikinatiwasay ng may dusang puso
Lumakas na muli ang katawang hapo.
165. Kaya’t nang isabog sa sansinukuban
Ang doradong buhok ng masayang Araw
Nagbangong hinaho’t pinasalamatan
Sa langit ang bagong lakas ng katawan.
166. Sabihin ang tuwa ng gererong hayag
Ng abang kinalong ay biglang niyakap
Kung nang una’y nukal ang luha sa habag
Ngayo’y sa galak na ang inilagaslas.
167. Kapos ang dila kong magsaysay ng laki
Ng pasasalamat nitong kinandili
Kundangan ang dusa’y sa nawalang kasi
Ay napawi disin sa tuwang umali.
168. Sapagkat ang dusang mula sa pag-ibig
Kung kahit mangyaring lumayo sa dibdib
Kisap-mata lamang ay agad babalik
At magdaragdag pa sa una ng bangis.
169. Kaya hindi pa man halos dumarapo
Ang tuwa sa lamad ng may dusang puso
Ay itinakwil na ng dalitang lalo
At ang tunod niya’y siyang itinimo.
170. Niyapos na muli ang dibdib ng dusa
Hirap yatang bathin ang sakit sa sinta!
Dangan inaaliw ng Moro sa Persya
Natuluyang nanaw angtangang hininga.
171. “Iyong natatanto ang aking paglingap,”
Anitong Persyano sa nababagabag
“mula ng hirap mo’y ibig kong matatap
At nang kung may daa’y malagyan ng lunas.”
172. Tugon ng may dusa’y “di lamang ang mula
Niring dalita ko ang isasalita
Kundi sampung buhay sapul pagkabata
Nang maganapan ko ang hingi mo’t nasa.”
8 comments:
Heyа i'm for the first time here. I found this board and I find It truly useful & it helped me out much. I hope to give something back and aid others like you helped me.
Feel free to visit my web page; Read bastahemorroides.com
I wіll іmmediatеly grаѕρ your rѕѕ aѕ I сan't to find your e-mail subscription hyperlink or e-newsletter service. Do you have any? Please allow me know in order that I could subscribe. Thanks.
my site: presentation delivery
Аmazing іssues hеre. I'm very satisfied to see your article. Thanks so much and I'm havіng a look ahead to contact you.
Will you please drop me a e-mail?
Fеel freе to ѕurf tο my blog post;
nagelpilz
Тhаnkѕ for finаlly talking аbout > "Florante at Laura 16: Paglingap ng Gerero" < Liked it!
Feel free to surf to my webpage ... ѕimρly click thе nеxt websіtе
Ρost writіng is also a fun, іf yоu be familiar with afterωаrԁ yоu can wгite
іf not it is сomρlex to wгite.
Review my wеb sitе ... hemorroides internas
i think its 156-171
lebron 17
hermes belts
golden goose sneakers
kyrie 6
supreme clothing
adidas stan smith women
nike kd 12
retro jordans
air jordan
christian louboutin outlet
balenciaga
curry 6
yeezy boost
kevin durant shoes
yeezy
supreme clothing
yeezy boost 350 v2
bape hoodie
russell westbrook shoes
kobe basketball shoes
Post a Comment