ALALAHANIN
Kay Celia
Kapag naaalaala ng makata ang nakaraan, iisang babae ang binabalikan niya sa gunita, si Celia lamang. Matamis ang kanilang pag-iibigan at masaya sila habang namamasyal sa Ilog Beata at Hilom. Ngunt ngayo’y di mapigilan ng makata ang pagluha kapag naiisip na baka naagaw na ng iba ang pag-ibig ni Celia. Dahil sa kalungkutan, natutong magsulat ng tula ang makata. Inihahandog niya ang tulang ito kay Celia, na ang sagisag ay M.A.R.
Sa Babasa Nito
Nagpapasalamat ang makata sa mga babasa ng kanyang awit. Ang kanyang akda ay parang bubot na prutas sa unang tingin ngunit masarap kapag ninamnam. Hinihiling ng makata na huwag babaguhin ang kanyang berso at pakasuriin muna ito bago pintasan. Kung may bahaging di malinawan, iminumungkahi niyang tumingin lamang ang mambabasa sa ibaba ng pahina at may paliwanag doon. Ipinakiusap din niya na huwag babaguhina ng mga salita sapagkat sa halip na mapabuti ay baka sumama pa ang akda.
Sa Mapanglaw na Gubat
Nagsisimula ang awit sa isang madilim at mapanglaw na gubat na di halos mapasok ng sikat ng araw. Madawag ang gubat at maraming puno ng higera at sipres. Maraming hayop dito, tulad ng ahas, basilisko, hyena, tigre at leon. Sa isang punong higera sa gitna ng gubat, naktali ang paa, kamay at leeg ng isang guwapong binata, na may makinis na balat at kulay gintong buhok. Sayang walang mga nimpa sa gubat na makapagliligtas sa binata.
Ang Reynong Albanya
Umiiyak ang binatang nakagapos. Sinabi niyang naghahari ang kasamaan sa kahariang Albanya. Bawal magsabi ng totoo, may parusa itong kamatayan. Kagagawan ni Konde Adolfo ang lahat, sapagkat ibig nitong mapasakanya ang kapangyarihan ni Haring Linseo at ang kayamanan ni Duke Briseo na ama ng nakagapos.
Sawing Kapalaran
Nakikiusap ang binatang nakagapos na ibagsak ng kalangitan ang poot nito at parusahan ang masasama. Alam niyang lahat ng nangyayari ay sa ikabubuti ng lahat kaya’t nakahanda siyang magdusa. Ang tanging hiling niya ay sana, maalaala siya ng minamahal na si Laura. Kung naiisip niyang iniiyakan ni Laura ang kanyang pagkamatay, para na rin siyang nagkaroon ng buhay na walng hanggan. Ngunit ang labis na ipinaghihirap ng kanyang loob ay ang hinalang baka naagaw na ng kanyang karibal na si Adolfo ang pagmamahal ni Laura.
Mga Hinaing ng Lalaking Nakagapos
Larawan ng kalungkutan at pagseselos ang binatang nakagapos. Isinigaw niya sa buong kagubatan ang kanyang sama ng loob dahil tila nalimot na siya ni Laura, ngayon pa namang kailangan niya ito. Noon, kapag patungo sa digmaan, ang binata ay pinababaunan ni Laura ng luha at ng bandang may letrang L at mahahalagang bato. Pagkagaling sa labanan, munting galos ng binata ay huhugasan agad ni Laura ng luha. At kung nalulungkot ang binata pinipilit siyang aliwin ni Laura.
Halina, Aking Laura
Ibig ng binatang nakagapos na muling ipakita ni Laura ang dating pag-aalaala sa kanya. Ngunit natatakot ang lalaki na baka naagaw na ni Adolfo so Laura. Kaya’t nasabi niyang pasasalamatan pa niya si Adolfo pahirapan man siya nang husto, huwag lamang agawin si Laura. Lumuha ng lumuha ang lalaki hanggang sa siya’y mapayukayok.
Ang Pagdating ng Gerero
Nagkataong dumating sa gubat ang isang mandirigma o gerero na sa pananamit ay masasabing isang Morong taga-Persiya. Naupo ito sa lilim ng isang puno at lumuluhang naghimutok. Nagbanta siya na sino mang umagaw sa pagmamahal ng babae ay papatayin niya, maliban sa kanyang ama. Naihimutok ng gererong Moro na sadyang napakalaki ng kapangyarihan ng pag-ibig. Kahit mag-aama’y nag-aaway nang dahil sa pag-ibig.
Duke Briseo—Mapagkandiling Ama
Nang huminto sa paghihimutok ang gerero, nagulat pa ito sa sumalit na buntung hininga ng lalaking nakagapos. Moo’y ginugunita ng nakagapos ang amang mapagmahal na ipinapatay ni Adolfo. Pinaghiwa-hiwalay ang ulo, katawan at mga kamay ng kanyang ama at walang nakapangahas na ito’y ilibing. Ngunit hanggang sa huling sandali, tanging kapakanan ng kaisa-isang anak ang nasa isip ng ama.
Panaghoy ng Gereo
Naalaala rin ng gerero ang sariling ama na kaiba sa ama ng lalaking nakagapos ay di nagpakita ng pagmamahal sa anak minsan man. Ang lalong masakit, ang kanyang ama pa ang umagaw sa babaing kanyang pinakamamahal. Maagang naulila sa ina ang gerero kaya’t di siya nakatikim ng pagmamahal ng magulang. Naputol ang iniisip ng gerero nang marinig sa nakagapos na malibing man ito ay patuloy pa ring mamahalin si Laura.
Sa Harap ng Dalawang Leon
Dalawang leon ang papalapit sa nakagapos ngunit parang naaawang napahinto ang mga ito sa harap ng lalaki. Sa harap ng nagbabantang kamatayan sa pangil ng mga leon, nagpaalam ang binata sa bayang Albanya na pinaghandugan ng kanyang paglilingkod at kay Laura. Sinabi ng binata na ang lalong ipinaghihirap ng kanyang loob ay ang pangyayaring haharapin niya ang kamatayan nang di angkin ang pag-ibig ni Laura.
Ang Pagliligtas sa Lalaking Nakagapos
Hindi na natiis ng gerero ang naririnig na daing. Kaya’t hinanap niya ang pinanggagalingan ng tinig. Pinagputol-putol ng gerero ang mga dawag hanggang marating ang kinaroroonan ng nakagapos. Anyong sisilain na ng dalawang leon ang binata na sa tindi ng hirap ay nawalan ng malay. Pinagtataga ng gerero ang dalawang leon hanggang sa mapatay. Pagkatapos kinalagan nito at kinalong ang binata.
Sa Kandungan ng Gerero
Nang matauhan ang binata, si Laura agad ang unang hinanap. Nagulat pa ito nang mamalayang nasa kandungan siya, hindi ni Laura, kundi ng isang Moro. Ipinaliwanag ng gerero na di niya natiis na di tulungan ang binata, sapagkat magkaiba man sila ng pananampalataya, nakaukit din sakanyang puso ang pagtulong sa kapwa, gaya ng iniuutos ng Langit ng mga Kristiyano. Sa halip na magpasalamat, isinagot ng binata na higit pang ibig niyang mamatay sa laki ng hirap na dinaranas. Sa narinig na ito, napasigaw ang gerero.
Paglingap ng Gerero
Walang kibuan ang dalawa hanggang sa lumubog ang araw. Dinala ng gerero ang binata sa isang isang malapad at malinis na bato. Dito pinakain ng Moro ang binata na di nagtagal ay nakatulog sa kanyang kandungan. Magdamag na binantayan ng gerero ang binata, na tuwing magigising ay naghihimutok. Nang magising kinaumagahan, nakapagpanibagong lakas na ang binata. Itinanong ng Moro ang dahilan ng paghihirap ng loob nito.
Kamusmusan ni Florante
Isinalaysay ng binata ang kanyang buhay. Siya’y si Florante, nag-iisang anak ni Duke Briseo ng Albanya, at ni Prinsesa Floresca ng Krotona. Sa Albanya siya lumaki at nagkaisip. Ang kanyang ama’y tanungan o sanggunian ni Haring Linseo at tumatayong pangalawang puno sa kaharian. Isang matapang na pinuno at mapagmahal na ama si Duke Briseo.
May ilang mahalagang pangyayari noong bata pa si Florante. Nang sanggol pa’y muntik na siyang madagit ng isang buwitre ngunit nailigtas siya ng pinsang si Menalipo. Isang araw, isang ibong arkon ang biglang pumasok sa salas at dinagit ang kanyang dyamanteng kupido sa dibdib. Nang siya’y siyam na taon na, pinalili[pas niya ang maghapon sa pamamasyal sa burol. Bata pa’y natuto na siyang mamana ng mga ibon at iba pang hayop. Naging mapagmahal siya sa kalikasan.
Ang Laki sa Layaw
Lumaki sa galak si Florante. Ngunit ngayon niya naisip na di dapat palakhin sa layaw ang bata sapagkat sa mundong ito’y higit ang hirap kaysa sarap. Ang batang nasanay sa ginhawa ay maramdamin at di makatatagal sa hirap.
Alam ito ni Duke Briseo. Kaya’t tiniis nito ang luha ng asawa at masakit man sa loob na mawalay sa anak, ipinadla siya ng ama sa Atenas upang doon mag-aral.
Pag-aaral sa Atenas
Labing-isang taong gulang si Florante nang ipadala sa Atenas upang mag-aral. Ang naging guro niya rito ay si Antenor. Isa sa mga estudyante rito ay ang kababayang si Adolfo, na nang una ay nadama na si Florante na tila pakunwari lamang ang kabaitan ni Adolfo. Anim na taon sa Atenas si Florante. Sa loob ng panahong ito, natuto siya ng pilosopiya, astrolohiya at matematika.
Tangkang Pagpatay kay Florante
Nanguna si Florante sa katalinuhan at dinaig niya maging si Adolfo. Napabalita ang una sa buong Atenas. Dito na lumabas ang tunay na pagkatao ni Adolfo. Sa isang dulang ginampanan nina kapwa ni Florante, pinagtangkaan nitong patayin ang huli. Salamat at nailigtas siya ng kaibigang si Menandro. Kinabukasan din, umuwi sa Albanya si Adolfo.
Namatay si Ina
Naiwan sa Atenas si Florante at nagtagal doon nang isang taon pa. isang araw, tumanggap ng liham si Florante mula sa ama. Sinasabi sa sulat na namatay ang kanyang ina. Nawalan ng malay si Florante sa tindi ng kalungkutan. Hindi nakabawas sa kanyang kalungkutan ang tapat na pakikiramay ng guro at mga kamag-aral.
Mga Tagubilin ng Maestro
Pagkaraan ng dalawang buwan ng matinding kalungkutan para kay Florante dumating ang ikalawang sulat ng kanyang ama, kasama ang sasakyang sumundo sa kanya. Bago umalis pinagbilinan si Florante ng gurong si Antenor na pakaingatan ng una si Adolfo sapagkat tiyak itong maghihiganti. Idinagdag pang huwag padadala si Florante sa magiliw na pakikiharap. Pinayuhan siyang lihim na maghanda nang hindi nagpapahalata.
Pinayagan ni Antenor si Menandro na sumama kay Florante. Ang magkaibigan ay inihatid ng kanilang mga kamag-aral hanggang sa daungan.
Paghingi ng Tulong ng Bayang Krotona
Di nagtagal nakarating sa Albanya ang magkaibigan. Pagkakita sa ama, napaluha si Florante nang muling manariwa ang sakit ng loob sa pagkamatay ng ina. Noon dumating ang sugo ni Haring Linseo, dala ang sulat ng Hari ng Krotona na humihingi ng tulong sapagkat nilusob ang Krotona ni Heneral Osmalikng Persiya. Pangalawa ito ng bantog na si Prinsipe Aladin na hinahangaan ni Florante at ayon sa balita’y kilabot sa buong mundo. Sa narinig, napangiti ang Moro at nagsabing bihirang magkatotoo ang mga balita at karaniwang may dagdag na.
Nagtungo sa palasyo ng Albanya ang mag-ama. Doon masakit man sa loob, pumayag din ang ama ni Florante nang ito’y hirangin ng hari na heneral ng hukbo.
Ang Kariktan ni Laura
Nakilala ni Florante ang anak ng hari na si Laura, isang dalagangkaagaw ni Venus sa kagandahan, isang kagandahang mahirap isiping makapagtataksil.
Sa harap ng kagandahan ni Laura, laging nagkakamali ng sasabihin si Florante sapagkat natatakot siyang baka di maging marapat sa dalaga.
Paghahanda Patungong Krotona
Tatlong araw ang piging ng hari para kay Florante. Sa loob ng panahong ito ay di man lamang nakausap ni Florante nang sarilinan si Laura. Sa kabutihang-palad, isang araw bago umalis sina Florante upang makidigma, nakausap nito ang dalaga at pinagtapatan ng pag-ibig. Hindi sumagot ng ‘oo” ang dalaga ngunit lumuha siya nang umalis si Florante patungong digmaan.
Madugong Paglalaban
Dahil sa luhang pabaon ni Laura, natiis ni Florante ang kalungkutang bunga ng pagkawalay sa minamahal. Pagdating sa digmaan, naabutan ng hukbo nina Florante na halos mawasak na ang kaaway ang kuta ng Krotona. Ngunit magiting na nagtanggol si Florante at ang kanyang mga kawal hanggang sa hamunin ni Osmalik si Florante na silang dalawa ang magharap. Limang oras silang naglaban hanggang sa mapatay ni Florante si Osmalik. Ipinagbunyi ng taong-bayan si Florante lalo nang malamang ito’y apo ng hari ng Krotona. Ngunit nahaluan ng lungkot ang kanilang kagalakan nang magkita ang maglolo. Muling nanariwa ang kirot ng pagkamatay ng ina ni Florante. Dito naisip ni Florante na walang lubos na ligaya sa mundo.
Pagkaraan ng limang buwan sa Krotona, nagpilit nang bumalik sa Albanya si Florante upang makita si Laura. Ngunit nang malapit na at natatanaw na ang moog ng Albanya, biglang kinutuban si Florante.
Tanggulang ng Syudad
Hindi nagkamali ang kutob ni Florante. Nakawagayway sa Albanya ang bandilang Moro. Pinatigil muna ni Florante ang kanyang hukbo sa paanan ng bundok. Mula roon natanaw nilang tila pupugutan ng ulo ang isang babae. Dali-daling lumusob sina Florante at ginapi ang mga Moro. Naligtas ang babae na walng iba kundi si Laura. Papupugutan ng ulo ang dalaga sapagkat tinanggihan nito ang pag-ibig ng emir at ito’y sinampal pa. noon binigkas ni Laura ang “sintang Florante.”
Pinawalan ni Florante ang hari, ang kaniyang ama at ang iba pang bilanggong kinabibilangan ni Adolfo. Lalong nainggit si Adolfo kay Florante hindi lamang dahil sa papuring tinanggap kundi dahil nakamit pa niya ang pag-ibig ni Laura. Dahil dito, muling nagbalak si Adolfo na ipahamak si Florante.
Ang Kasamaan ni Adolfo
Pagkalipas ng ilang buwan, lumusob ang hukbo ng Turkiya sa pamumuno ni Miramolin. Ngunit tinalo si Florante si Miramolin. Naging sunod-sunod ang tagumpay ni Florante hanggang sa umabot sa 17 ang mga haring nagsigalang sa kanya.
Isang araw, nasa Etolya si Florante at ang kanyang hukbo nang dumating ang sulat ng hari na nagpapauwi sa kanya. Iniwan niya ang hukbo kay Menandro. Ngunit pagdating sa Albanya, nilusob siya ng 30,000 sandatahan at noon di’y ibinilanggo. Noon niya nalamang ipinapatay ni Adolfo si Haring Linseo at ang kanyang amang si Duke Briseo. Si Laura nama’y nakatakdang ikasal kay Adolfo. Labingwalong araw na ipiniit si Florante. Pagkaraan, itinali siya sa gubat na kinatagpuan sa kanya ng gererong Moro.
Ang Paghihirap ni Aladin
Nang matapos magsalaysay si Florante, nagpakilala ang Moro. Siya si Aladin mula sa Persiya na anak ni Sultan Ali-Adab. Sinabi ni Aladin na yamang kapwa sila sawi ni Florante, mamuhay na silang magkasama sa gubat. Noon isinalaysay ni Aladin ang kanyang pinagdaanang buhay. Ikinuwento niya ang pakana ng sarili niyang ama upang maagaw sa kanya si Flerida. Ipinapakulong siya nito sa bintang na iniwan niya ang hukbo sa Albanya kahit wala pang utos ng sultan. At nang mabawi ni Florante ang Albanya, hinatulang pugutan ng ulosi Aladin. Pinatawad siya sa kondisyong aalis siya sa Persiya noon din. Bagama’t nakaligtas sa kamatayan, higit pang ibig ni Aladin na mamatay kaysa maagaw ng iba ang pagmamahal ni Flerida.
Ang pagtakas ni Flerida
Natigil sa pag-uusap ang dalawa nang marinig ang dalawang babaing nag-uusap. Ayon sa isa, nang malaman niyang papupugutan ng ulo ang kanyang minamahal, nagmakaawa siya sa sultan. Pumayag ang sultan na patawarin ang nobyo ng babae, kung papayag itong pakasal sa sultan. Walang nagawa ang babae kundi ang sumang-ayon. Ngunit nakaalis ang kanyang nobyo nang di sila nagkausap. Nang gayak na ang kanilang kasal tumakas ang babae na nakadamit-gerero. Ilang taon siyang naglagalag sa mga bundok at gubat hanggang sa mailigtas niya ang kausap.
Noon biglang sumulpot sina Florante at Aladin. Sa di inaasahang pagtatagpong iyon, di masusukat ang kaligayahan ng apat na tauhan.
Pagliligtas kay Laura
Si Laura naman ang nagsalaysay. Ayon sa kanya, napapaniwala ni Adolfo na gugutumin ng hari ang taong-bayan kaya’t nagkagulo ang mga ito. Kasunod ng pagkakagulo, ipinapatay ni Adolfo ang hari at ang matatapat na alagad nito. Inagaw ni Adolfo ang pagkahari at pinilit si Laurang pakasal sa kanya. Hindi nagpapahalata ng tunay na niloloob, pumayag si Laura ngunit humingi ng limang buwang palugit upang magkapanahong mapauwi si Florante. Sa kasamaang-palad, nahulog si Florante sa pakana ni Adolfo at naipatapon. Handa nang magpakamatay si Laura nang dumating si Menandro na siyang nakatanggap ng sulat ni Laura kay Florante. Tumakas si Adolfo, tangay si Laura na pinagtangkaang abusuhin sa gubat na iyon. Siya namang pagdating ni Flerida. Pinana nito si Adolfo na namatay noon din.
Masayang Wakas
Matapos ang pagkukuwento ni Laura, dumating si Menandro na may kasamang hukbo. Laking tuwa nito nang makita ang kaibigang si Florante. Ipinagbunyi ng hukbo ang bagong hari na si Florante. Ipinagsama nina Florante sa Albanya sina Aladin at Flerida na kapwa pumayag na maging Kristiyano. Nakasal sina Florante at Laura at sina Aladin at Flerida. Umuwi sa Persiya sina Aladin at Flerida nang mamatay si Sultan Ali-Adab. Nagpasalamat sa Diyos ang mga mamamayang nasisiyahan sa pamumuno nina Florante at Laura.
Nagwakas ang awit sa hiling ng makata sa kanyang Musa na dalhin kay Celia ang kanyang “Ay!...Ay!”
62 comments:
"Ang magandang asal ay ipinupukol
sa laot ng dagat na kutya't linggatong;
balang magagaling ay ibinabaon
at inililibing na walang kabaong. "Nguni ay ang lilo't masasamang-loob
sa trono ng puri ay iniluluklok;
at sa balang sukab na may asal-hayop,
mabangong insenso ang isinusuob.
thanks a lot!!! this is a very big help. :)
salamat rito :"D
Yeheeey! Thanks a lot! Nakatulong ito sa report ko! :) - www.twitter.com/SRSoco =)
Nka2long to sa report ko!!!
Salamat,..
thank you so so sososososo much
Thank you! eto ung hinahanap ko hindi ung aralin1-23. Super Big help! Thanks a lot!
Salamat ng marami! :)
:DD
thanxs 4this.. may irereport na ko bukas. whoot.:))
thanks very very much...
Salamat nakakatulong ito
Salamat may reprt na ko
Thanks! napadali yung takda koh .
Alam mo admin, ang laking tulong nitong blog mo..hehehe..andrama ko..SALAMAT PO
Alam mo admin, ang laking tulong nitong blog mo..hehehe..andrama ko..SALAMAT PO
Salamat may report na ako. . . XD
salamat sa blog na to may clearance na ako!
Thanks for this blog bec. I have a project :)
anu ung buod at summary ng sa babasa nito. i really badly needed kasi. :(
pede bang magtanong?
meron bang paliwanag dito tungkol sa Tagumpay ng mga Moro?
Please kailangan talaga
Weee!!!! nakatulong to sa Project ko <3 har har xD
salamat sa blog na'to nakatulong 'to sa report ko bukas!
very helpful thanks a lot
Thank you nakatulong ito sa homework ko:-)
thanks a lot :-)
Thank You so so so much!!! may project na ako sa Filipino!!! <3
ask lang po . ano po ba ang buod sa ANG AMA NI ALADIN SAKNONG 99 -108 ? kaylangan na po kasi para sa report ko bukas .. thANKS
salamat dito,,,marami pa itong matutulungan na istudyante :D
salamat po. dahil sa blog mo hindi ako babagsak sa quiz bukas! yehet!!!
Salamat po ng marami!^^
Ano po yung makukuha kong aral sa pagaaral sa atenas..??
Salamat po. ������
Salamat dahil sa blog mo po naintindihan ko din yung Florante at Laura :)
yes may clearance na ako
thank you so much talaga nag effort ka talaga pag palain ka nawan ng diyos thank you once again laking tulong po nito saakin project
SALAMAT WOAW may ASSIGNMENT NAKU WOAA......
ang ganda nakatulong
Bat wala po ba ung mga iba ?
HI saan po ba ang talasalitaan ng ang kasamaan ni adolfo? answer po plssss!!
tama lahat ng buod. makatulong talaga ito sa amin
Hallelujah
Kamusta
Nasaan po yung buod ng "Nasaan ka Laura?" yun nalanng po talaga kulang ko. Thank you ng marami dito!
thank you po nito..
may tanong lng po ako ano po ung buod ng saknong 126-155?
Thank You Kamsahamnidaaaaaaaaa saranghaeee <3
kamsahamnida!!! Joh-eun-nal>>.
<3<3<3
meron po bang tagpuan sa aralin 7 halina aking laura?? pls
ano pong ibig sabihin ng "ay...ay" paki sagot naman po . nais kopo kasing gamitin to sa ulat ko bukas . salamat po
saan po yun buod ng "tagumpay sa pakikidigma"
Thank you po dito nakatulong ito
Thanks po nakatulong po ito sa report ko nung nakraang araw at heto yung bff ko nagpapatulong ao itong site ang binigay ko maraming salamat po talaga
salamat po nagawa ko project ko
Maraming slamat po
Saan po ang buod na 'ang kabataan ni florante'?
Thank you admin! Ang lalim kase Ng words dko masyado ma intindihan ung mga saknong hahahahah
ok na sana, kaso walang talasalitaan :<
maraming-maraming salamat po talaga kuya/ate admin ang laking tulong po talaga nito godbless :) :*
maraming-maraming salamat po talaga kuya/ate admin ang laking tulong po talaga nito godbless :) :*
ano ang saknong dyan kuya sa florante at laura sa saknong sawing kapalaran
supreme new york
hermes
kd shoes
supreme new york
golden goose
off white outlet
off white
moncler jackets
jordan 11
goyard
supreme outlet
yeezy gap hoodie
kd shoes
jordan shoes
bape official
off white
off white jordan
yeezy
supreme hoodie
off white shoes
Post a Comment