Naging tanyag sa Europa noong Gitnang Panahon ang mga tulang romansa (metrical romance). Ito’y mga tulang pasalaysay tungkol sa mga pakikipagsapalaran at pakikipag-ibigan ng mga kabalyero, prinsipe at iba pang dugong bughaw. Lumaganap sa Pilipinas ang mga tulang romansa noong ika-18 siglo, dala ng mga Kastila. Ang dalawang anyo nito na naging popular na popular ay ang awit at korido.
May bahagyang pagkakaiba sa sukat, paksa at paraan ng pagbigkas ang awit at korido. Ang korido ay may walong (8) pantig sa bawat taludtod samantalang ang awit ay may labindalawa(12). Kapwa tulang pasalaysay ang awit at korido, ngunit ang huli ay may kasamang kababalaghan: ang mga tauhan ay pagsasagawa ng mga bagay na di maisasagawa sa tunay na buhay, tulad ng pagkakaroon ng tagabulag, pagpatag sa bundok sa loob lamang ng magdamag, pagtatanim at pag-aani ng palay sa isang gabi lamang at iba pang katulad nito.
Samantala, ang mga tauhan sa awit ay makatotohanan at ang kanilang mga pakikipagsapalaran ay maaring maganap sa tunay na buhay. Kung may kababalaghan man, ito ay mga pangyayaring walang mahirap paniwalaan ngunit maari pa ring maganap sa tunay na buhay. Halimbawa, maituturing na kababalaghan o mahirap paniwalaan na mapapatay ng batang-bata at walang kasanayang si Florante ang batikang mandirigma at kilabot sa buong daigdig na si Heneral Osmalik. Ngunit hindi imposibleng mangyari ito sa tunay na buhay. Pansining ang ganitong mga pakikipagsapalaran ay kailangan upang makalikha ng tauhang may kahanga-hangang lakas at tapang.
Tungkol naman sa pagbigkas, ang korido ay binibigkas nang mabilis samantalang ang awit ay binibigkas nang banayad at may kabagalan. Ang totoo, nang panahon ni Balagtas, ang awit ay inaawit ng makata sa mga tanging pagtitipon, tulad ng makikita sa larawan.
4 comments:
Wonderful blog! I found it while searching on Yahoo News.
Do you have any suggestions on how to get listed in Yahoo News?
I've been trying for a while but I never seem to get there! Cheers
my blog No2 maximus reviews
Helpful! It helped me a lot to understand the meaning of stanzas in florante at laura.
from this source he has a good point pop over to this web-site Dolabuy Bottega Veneta Web Site Source
ARSIP SUMUT
HEADLINE NEWS >> https://www.arsipsumut.com/
Post a Comment