Isinilang si Francisco ‘Balagtas’ Baltazar y dela Cruz noong Abril 2, 1788 sa Panginay, Bigaa (ngayo’y Balagtas), Bulacan. Ang kanyang mga magulang ay sina Juan Balagtas at Juana Dela Cruz. May tatlo siyang nakatatandang kapatid, sina Felipe, Concha at Nicolasa.
Isang panday ang ama ni Balagtas. Upang makapag-aral, pumasok siyang katulong sa isang nakaririwasang malayong kamag-anak na naninirahan sa Tundo. Noon ay 1799, at lalabing-isang taon ang batang si Kiko. Noong 1812, sa gulang na 24, natapos niya ang Canones sa Colegio de San Jose, na paaralan ng mga Heswita sa Intramuros. Isa sa mga naging guro niya si Padre Mariano Pilapil, na itinuturing na isa sa mga nangungunang palaaral sa panulaang Tagalog nang panahong iyon. Ang Pasyon ng 1814 ay nalathala sa kanyang pamamahala.
Nang panahong iyon, itinuturing na pinakatanyag na makata si Jose Dela Cruz na kilala sa tawag na Huseng Sisiw. Ganito ang tawag sa kanya sapagkat sisiw ang hinihingi niyang bayad sa bawat tulang ipinapasulat o ipinaaayos sa kanya ng mga binata para sa kanilang mga nililigawan. Isa sa mga “suki” ni Huseng Sisiw ay si Kiko, na minsa’y tinanggihan ni Huseng Sisiw nang di ito makapagbayad ng hinihinging sisiw. Mula noon, hindi na muling nagpaayos ng tula si Kiko na mula noon ay nag-aral nang sumulat ayon sa sariling istilo.
Noong 1835 o 1836, lumipat ang makata sa Pandacan. Doo’y nakilala niya ang magandang dalagang si Maria Asuncion Rivera, ang Celia na pinahandugan niya ng kanyang Florante at Laura. Hindi si Maria Asuncion ang unang pag-ibig ni Balagtas. Ang kanyang pusong palahanga sa kagandahan ay maraming ulit na umibig. Sinasabing may Biyanang, Lucena at Maria Ana Ramos na unang pinag-ukulan ng makata ng pagmamahal. Ngunit kung ano man ang kinahinatnan ng mga pag-ibig na iyon ay hindi naitala sa kasaysayan, ni sa panitik ni Balagtas.
Sa kasamaang-palad, nakaagaw ni Balagtas sa pag-ibig ni Maria Asuncion ang isang mayamang binata, si Mariano Capule, na gumamit ng kapangyarihan ng salapi upang maipakulong si Balagtas sa maling bintang. Isang gabi, pagkagaling sa bahay ng dalaga, bigla na lamang dinampot ng mga guwardiya sibil si Balagtas at ikinulong.
Sinasabing sa loob ng bilangguan hinabi ang Florante at Laura. Maaring itinulak ang makata ng pangungulila sa dalagang minamahal at ng tinitimping poot sa kanyang kaapihan upang makalikha ng isang tulang naglalarawan sa kalupitang pinamamayani ng mga Kastila sa nasasakupang mga Pilipino. Ayon na rin sa makata: “Itong di matiis na pagdaralita ang siyang umakay na ako’y tumula.”
Sinasabi ring pagkalabas sa bilangguan, ipinalathala ng makata ang Florante noong 1838. Noong 1840, lumipat si Balagtas sa Bataan. Humawak siya rito ng iba’t-ibang tungkulin sa pamahalaan. Dito niya nakilala ang magandang si Juana Tiambeng, na taga-Orion at bata sa kanya ng maraming taon. Ikinasal ang dalawa noong 1842. Labing-isa ang naging anak nila: limang lalaki at anim na babae.
Muling nabilanggo si Balagtas dahil sa sumbong ng katulong na babae ni Alferez Lucas. Di umano’y pinutulan niya ito ng buhok, na nang panahong iyon ay karaniwang parusa sa mga babaing may nagawang pagkakasala. Noon, malaking bagay ang pagputol sa buhok ng babae. Anim na buwang nakulong sa piitan ng Balanga si Balagtas; pagkaraan, nalipat siya sa Bilibid sa Maynila. Nakalaya siya noong 1868, matapos mabilanggo nang halos apat na taon.
Namatay siya noong 1862. Bago namatay, nakasulat siya ng mahigit sandaang dula, komedya, awit at korido. Sa kasamaang palad, nasunog ang marami sa mga ito nang magkasunod sa Udyong noong 1892.
Related Literature: via
This comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDeletejordan shoes
ReplyDeletekd shoes
hermes outlet online
kd shoes
supreme clothing
bape
yeezy shoes
supreme new york
bape outlet
goyard online store