1. Sa isang madilim na gubat na mapanglaw,
Dawag na matinik ay walang pagitan,
Halos naghihirap ang kay Pebong silang,
Dumalaw sa loob na lubhang masukal.
2. Malalaking kahoy ang inihahandog,
Pawang dalamhati, kahapisa’t lungkot,
Huni pa ng ibon ay nakalulunos,
Sa lalong matimpi’t nagsasayang loob.
3. Tanang mga baging na namimilipit
Sa sanga ng kahoy ay balot ng tinik,
May bulo ang bunga’t nagbibigay sakit
Sa kangino pa mang sumagi’t malapit.
4. Ang mga bulaklak ng nagtayong kahoy,
pinakamaputing nag-ungos sa dahon,
pawing kulay-luksa at nakikiayon
sa nakaliliyong masangsang na amoy.
5. Karamiha’y sipres at higerang kutad
Na ang lilim niyon ay nakasisindak,
Ito’y walang bunga’t daho’y malalapad
Na nakadidilim sa loob ng gubat.
6. Ang mga hayop pang dito’y gumagala,
Karamiha’y syerpe’t basilisko’y madla
Hyena’t tigreng ganid na nagsisila
Ng Abernong Reyno ni Plutong masungit,
7. Ito’y gubat manding sa pinto’y malapit
Abernong Reyno ni Plutong masungit,
Ang nasasakupang lupa’y dinidilig
Ng ilog Kositong kamandag ang tubig.
8. Sa may gitna nitong mapanglaw na gubat
May punong higerang daho’y kulay pupas;
Dito nakagapos ang kahabag-habag,
Isang pinag-usig ng masamang palad.
9. Baguntaong basal ang anyo at tindig,
Kahit nakatali kamay paa’t liig,
Kundi si Narciso’s tunay na Adonis,
Mukha’y sumisilang sa gitna ng sakit
10. Makinis ang balat at anaki’y burok,
Pilik-mata’t kilay mistulang balantok,
Bagong sapong ginto ang kulay ng buhok,
Sangkap ng katawa’y pawing magkaayos.
11. Dangan doo’y walang oreadas ninfas,
Gubat na palasyo ng masidhing harpyas
Nangaawa disi’t naakay lumiyag
Sa himalang tipon ng karikta’t hirap.
ano ba ang nangyari sakanya sa gubat na mapanglaw
ReplyDeletecurry shoes
ReplyDeleteadidas ultra boost
coach
yeezy
golden goose sale
supreme
coach outlet store
nike lebron 15
yeezy wave runner 700
golden goose
آپ ترانه
ReplyDeleteدانلود آهنگ
فیلم ایرانی