Florante at Laura 18: Ang Laki sa Layaw

196. “Anhin konh saysayin ang tinamong tuwa
        Ng kabataan ko’y malawig na lubha
        Pag-ibig ni ama’y siyang naging mula
        Lisanin yaong gubat na payapa.

197. Pag-ibig anaki’y aking nakilala
        Di dapat palakhin ang bata sa saya
        At sa katuwaa’y kapag namihasa
        Kung lumaki’y walang hihinting ginhawa.

198. “Sapagkat ang mundo’y bayan ng hinagpis
        Mamamaya’y sukat tibayan ang dibdib
        Lumaki sa tuwa’y walang pagtitiis
        Anong ilalaban sa dahas ng sakit?

199. “Ang taong magawi sa ligaya’t aliw
        Mahina ang puso’t lubhang maramdamin
        Inaakala pa lamang ang hilahil
        Na daratna’y di na matutuhang bathin.

200. “Para ng halamang lumaki sa tubig
        Daho’y nalalanta munting di madilig
        Ikinaluluoy ang sandaling init
        Gayon din ang puso’y sa tuwa maniig.

201. “Munting kahirapa’y mamalakhing dala
        Dibdib palibhasa’y di gawing magbata
        Ay bago sa mundo’y walang kisapmata
        Ang tao’y mayroong sukat ipagdusa.

202. “Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
        Sa bait at muni’t sa hatol ay salat
        Masaklap na bunga ng maling paglingap
        Habag ng magulang sa irog ng anak.

203. “Sa taguring bunso’t likong pagmamahal
        Ang isinasama ng bata’y nunukal
        Ang iba’y marahil sa kapabayaan
        Ng dapat magturong tamad na magulang.

204. “Ang lahat ng ito’y kay amang talastas
        Kaya nga ang luha ni ina’y hinamak
        At ipinadala ako sa Atenas
        Bulag na isip ko’y nang doon mamulat.

15 comments:

Welcome to Zsite59