Florante at Laura 11: Duke Briseo - Mapagkandiling Ama


83.      Sa mawika ito luha’y pinaagos,
        Pika’y isinaksak saka naghimutok,
        Nagkataon namang parang isinagot
        Ang bunting-hininga niyong nagagapos.

84.      Gerero’y namangha nang ito’y marinig
        Pinagbaling-baling sa gubat ang titig,
        Nang walang makita’y hinintay umulit
        Di naman nalao’t nagbagong humibik.

85.    Ang bayaning Moro’y lalo nang namaang:
        “sinong nananaghoy sa ganitong ilang?”
        Lumapit sa dakong pinanggalingan
        Ng bunting-hininga’t pinakimatyagan.

86.    Inabutan niya ang ganitong hibik:
        “ay mapagkandiling amang iniibig!
        Bakit ang buhay mo’y naunang napatid,
        Ako’y inulila sa gitna ng sakit?

87.     “Kung sa gunita ko’y pagkuru-kuruin,
        Ang pagkahulog mo sa kamay ng taksil,
        Parang nakikita ang iyong narrating,
        Parusang marahas na kalagimlagim.

88.   “At alin ang hirap na di ikakapit
        iyo ng Konde Adolfong malupit?
        Ikaw  ang salamin ng reyno ng bait,
        Pagbubuntuhan ka ng malaking galit.

89.   “Katawan mo ama’y parang namamalas
        Ngayon ng bunso mong lugami sa hirap,
        Pinipisang-pisang at iniwawalat
        Ng pawa ring lilo’t berdugo ng sukab

90.   “Ang nagkahiwalay na laman mo’t buto,
        Kamay at katawang nalayo sa ulo,
        Ipinaghagisan niyong mga lilo
        At walang maawang maglibing ng tao.

91.   “Sampu ng lingkod mo’t mga kaibigan,
        Kung kampi sa lilo’y iyo nang kaaway,
        Ang di nagsiayo’y natatakot naming
        Bangkay mo’y ibao’t mapaparusahan.

92.   “Hangga’t ditto, ama’y aking naririnig
        Nang ang iyong ulo’y itapat sa kalis,
        Ang panambitan mo’t dalangin sa langit,
        Na ako’y maligtas sa hukbong malupit.

93.   “Ninanasa mo pang ako’y matabunan
        Ng bangkay sa gitna ng pagpapatayan,
        Nang huwag mahulog sa panirang kamay
        Ng Konde Adolfong higit sa halimaw

94.   “Panalangin mo’y di pa nagaganap
        Sa liig mo’y biglang nahulog ang tabak,
        Nasnaw sa bibig mong huling pangungusap
        Ang adiyos, bunso’t buhay mo’y lumipas!

95.   “Ay amang ama ko! Kung magunamgunam
        Madla mong pag-irog at pagpapalayaw,
        Ipinapalaso ng kapighatian,
        Luha niring pusong sa mata’y nunukal.

96.   “Walang ikalawang ama ka sa lupa,
        Sa anak na kandong ng pag-aaruga:
        Ang munting hapis kong sumungaw sa mukha
        Sa habag mo’y agad nanalong ang luha.

97.   “Ang lahat ng tuwa’y natapos sa akin
        Sampu niring buhay ay nagging hilahil
        Ama ko’y hindi na malaong hithitin
        Ako’t sa payapang baya’y yayakapin.

98.   Sandaling tumigil itong nananangis,
        Binigyang panahong luha’y tumagistis
        Niyong naaawang Morong nakikinig
        Sa habag ay halos magputok ang dibdib.

1 comment:

Welcome to Zsite59