Sinalakay ng puwersa nina Heneral Emilio Aguinaldo at Kor. Jose Tagle ang mga Prayle at Guardia Civil na nanganlong sa Casa Hacienda, 1 Septembre 1896. Samantalang nakikipaglaban sa Bacoor si Hen. Aguinaldo at kanyang mga tauhan, muling sinalakay ng mga rebolusyunaryong pinamumunuan ni Kor. Tagle ang Case Hacienda, 2 Setyembre 1896. Nagapi ang karagdagang puwersa Espanyol na pinamumunuan ni Hen. Ernesto de Aguirre, 3 Septyembre 1896. Sa labanang ito nahulog ang Sable de Mando ni Hen. De Aguirre na nakuha ng mga rebolusyunaryo. Nagsilbing inspirasyon ang tagumpay na ito sa mga rebolusyunaryo sa pakikipaglaban para sa Kalayaan.
No comments:
Post a Comment
Welcome to Zsite59