Sa pook na ito, noong Nobyembre 9-11, 1896, naganap ang isa sa mga madugong labanan sa Cavite sa pamumuno ni Heneral Emilio Aguinaldo. Sinagupa ng magigiting na manghihimagsik na Pilipino na rehimyento 73 na sinusuportahan ng may Limang Batalyon ng mga Kastilang Cazadoresat impanteriya ng mga marino na pinangungunahan naman ng Gobernador Heneral Ramon Blanco. Nagwagi ang mga manghihimagsik na Pilipino sa labanang ito ngunit sinamang-palad na masawi si Heneral Candido tria Tirona, si Kapitan Simeon Alcantara at marami sa kanilang magigiting na kasama.
|
No comments:
Post a Comment
Welcome to Zsite59