Hot Air Balloons

What is a hot air balloon?
A hot air balloon is a vehicle that lifts in the air capable of transporting human and cargo.

When was a hot air balloon first successful flight?
The hot air balloon is the first successful human-carrying air vehicle. The first untethered manned hot air balloon flight was performed by Jean-François Pilâtre de Rozier and François Laurent d'Arlandes on November 21, 1783, in Paris, France, in a balloon created by the Montgolfier brothers.

PARTS OF A HOT AIR BALLOON
hot air balloon has three major parts: the envelope, the burner, and the basket or gondola. The basket is where passengers ride. Usually made of wicker, baskets protect the occupants and are lightweight and flexible.

(Tagalog)
Paano Lumilipad ang Hot Air Balloon?
Kapag ang hangin ay umiinit, ito ay gumagaan dahil ang mga molecules nito ay naglalayu-layo. Kapag ang hangin ay lumalamig nagkakadikit-dikit o sumisinsin ang kaayusan ng mga molecules, at ito ay bumibigat.

Sa hot air balloon, ang hangin sa loob ng lobo ay pinapainit ng isang burner o nagliliyab na gas. Ang mainit na hangin na ito ay mas magaan kaysa sa hangin sa labas ng lobo kung kaya umaangat ang lobo.

Ang hot air balloon ay nakakapunta kung saan man ito tangayin ng hangin. Nakakagalaw ito ng pataas at pababa para mahanap nito ang tamang taas na may ihip ng hangin sa himpapawid na tatangay sa kanya patungo sa nais puntahan. Upang magawa ito, kailangang makontrol nito ang pagtaas at pagbaba na gamit ang pagpatay at pagsindi ng burner. Kapag nakasindi  ang burner, ang hot air balloon ay tataas, at kung patay ang burner, ang hot air balloon ay bababa.

Ito ang prinsipyo kung papaano napapanatili ang hot air balloon na nasa itaas.

Ang unang nagpalipad ng hot air balloon ay ang French Montgolfier Brothers noong taong 1783. Sa panahon ngayon, ang pagpapalipad ng hot air balloon ay mas higit na isa na lamang libangan kaysa sa kagamitang pangtransportasyon dahil na rin sa kabagalan nito sa paglalakbay at hindi ito maaasahan kung masama ang panahon.

No comments:

Post a Comment

Welcome to Zsite59